Lunes, Disyembre 5, 2011

Makabagong Teknolohiya Tulong sa Edukasyon

             Isa sa mga didyital na gamit sa panahon ngayon ay ang computer. marahil ay kilala ninyo naman ito dahil ito ay usung-uso ngayon lalo na sa mga kabataan. Hindi ba't ito'y nakatutulong sa ating pag-aaral?

             Gumagamit ang mga kabataan ng computer upang  makapag-search o maghanap na makatutulong sa pag-aaral ng nakararami. Maraming gamit ang didyital na kagamitang ito. Paano nga ba ito nakatutulong sa ating pag-aaral?



      Maraming mabuting naidudulot ito para sa ating kabataan. Tulad na lamang ng pag-search na malaking tulong dahil sa internet. Sa halip na maghahanap ka pa sa mga ga-tambak na libro ay i-search mo lang hayan na at lalabas na ang iyong hinahanap!  Gumagamit ka rin ba nito na minsan ng nakatulong sa iyong pag-aaral?

       Hindi ba, napakasarap namang gumamit ng makabagong teknolohiya? Nakikita mo ba ang ritrato ng mga makabagong kagamitan ngayon?  Hindi ba't napakamoderno?  Dito ay pwedeng-pwede kang maghanap nang maghanap ng mga gustuhin mo na dagdag impormasyon at mas mapa-uunlad pa ang kaalaman sa pag-aaral. Napakaswerte naman natin na ibinigay sa atin ang teknolohiya.

        Malawak na impormasyon at kayamanan sa kaalaman. Hayan ang naidulot sa atin ng teknolohiya.Sapat na kaya ang mga impormasyon na nakukuha natin dito para sa atin?

        Nakaranas ka na bang gumamit ng didyital na gamit tulad ng computer? Paano ito nakatulong sa iyong pag-aaral? Anu-ano ang magaganda at masasamang naidulot nito sa iyong pag-aaral? Makabagong teknolohiya nakatutulong nga ba sa atin?

       Teknolohiya sa tama gamitin at huwag itong aabusuhin upang ito'y hindi maka-apekto sa atin. Ang teknolohiya ay paka-ingatan para na rin sa magandang kinabukasan. Atin pa itong pagyamanin dahil ang teknolohiya ay minsan nang ibinigay sa atin. Hindi naman habambuhay ay ito'y ating magagamit. Ito lamang ay isang instrumento na  makatutulong na mapaunlad pa ang ating kaalaman at impormasyon. Teknolohiya, paka-ingatan para sa magandang kinabukasan.

       Napakarami ng naitulong sa atin ng teknolohiya. Tulad na lamang sa mga takdang-aralin na makatutulong. Maaari rin namang  mag-print na nakatutulong rin. Maaaring mag-translate upang hindi na mahirapan. Maaari rin namang maghanap ng mga larawan na malaking tulong sa ating pag-aaral.


          Marami itong naidulot na napakaganda para sa ating araw-araw na pamumuhay. Halimbawa ,ikaw ay naghahanap ng trabaho, at gusto mong malaman kung ano ba ito, maaari ka ring maghanap dito.


            Marami rin itong epekto sa mga kabataang kagaya ko. Tulad ng pagbaba ng mga marka  at pagliban sa klase para lang dito. Hindi nila lubos na maintindihan ang kanilangpinag-aaralan dahil lang dito. Marami ring  kabataan sa panahon ngayon ang kinalolokohan ang mga ganitong bagay tulad ng mga laro na imbis na makatulong ay lalo pang nakasisira sa kanilang pag-aaral.

                                               

1 komento:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin